Tag Archive for ofw

OFW: Ready to go home for good?

OFW ka ba?

Kung Oo, pwede mong itanong ito sa iyong sarili para malaman kung handa ka na nga bang talaga na umuwi sa Pinas.

Ready ka na ba?

If I lost my job today here in ______, failed to get another opportunity or a working permit and eventually went back home for good,
how much exactly are my…

Overall Debt:         P __________
Total Savings:        P __________
Investment/s:        P __________

…Am I ready to go back to Pinas?

 

Tunay ngang hindi pang-habang buhay ang pag-aabroad, lalo na’t nag-tra-trabaho tayo sa bansang walang paraan para maging dual-citizenship tayo. Kaya nama’y habang maaga pa eh handa na tayo sa kung ano mang maaring mangyari sa atin sa hinaharap.

 

“Noel”: A Touching Jollibee Commercial

31 Days nalang at pasko na mga tropa!

At karamihan sa mga kababayan nating OFWs ay nagsisipaghanda nang bumili ng pasalubong at umuwi na sa Pinas para makasama ang kani-kanilang pamilya.

May iilan rin na hindi makakauwi dahil sa tungkulin nila sa trabaho o ‘di naman kaya’y nag-pasyang tipirin ang perang pang-bakasyon para pandagdag sa matrikula ni junior.

Kung isa kang OFW o may mahal sa buhay na nangingibang bansa eh makaka-relate ka sa hirap at lungkot na mawalay sa pamilya, para masuportahan ang pangangailangan sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay sa Pinas, naglalakas loob nalang ang iba na makipagsapalaran abroad upang makamit ang inaasam-asam na ginhawa.

Syempre, pag-uwi rito sa atin, hindi maaaring hindi dumaan sa Jollibee (JFC) kasama ng buong pamilya! Tulad nang nakaka-touch na Jollibee commercial na ‘to: