Tag Archive for jollibee commercial

“Noel”: A Touching Jollibee Commercial

31 Days nalang at pasko na mga tropa!

At karamihan sa mga kababayan nating OFWs ay nagsisipaghanda nang bumili ng pasalubong at umuwi na sa Pinas para makasama ang kani-kanilang pamilya.

May iilan rin na hindi makakauwi dahil sa tungkulin nila sa trabaho o ‘di naman kaya’y nag-pasyang tipirin ang perang pang-bakasyon para pandagdag sa matrikula ni junior.

Kung isa kang OFW o may mahal sa buhay na nangingibang bansa eh makaka-relate ka sa hirap at lungkot na mawalay sa pamilya, para masuportahan ang pangangailangan sa buhay. Dahil sa hirap ng buhay sa Pinas, naglalakas loob nalang ang iba na makipagsapalaran abroad upang makamit ang inaasam-asam na ginhawa.

Syempre, pag-uwi rito sa atin, hindi maaaring hindi dumaan sa Jollibee (JFC) kasama ng buong pamilya! Tulad nang nakaka-touch na Jollibee commercial na ‘to: