SIMULA

Kabayan! Kamusta?

Aba! Mukhang interisado ka na ngayong mag-invest ha! Ayos iyan dahil kabilang ka na sa milyun-milyong mga Pilipino na nag-te-take charge sa kanilang Financial Life! At saktong-sakto dahil nandito kami para i-guide ka sa iyong journey towards a better Financial Future!

Ang una at madalas na tanong ng karamihan ay:

Paano ba mag-open ng Stock Trading account?

Dahil sa mga recent Investment Rating upgrades ng S&P at Moody’s sa Pinas, eh parami na ng parami ang foreign and local investors ngayon sa ating bansa. Halos linggo-linggo ay mayroong seminars sa ating mga opisina, baranggay, eskwelahan at iba pang lugar na nag-e-enganyo at nag-tuturo sa ating mga kababayan ng iba’t ibang paraan ng pag-iinvest — mapa-Real Estate, Mutual Funds, Bonds, UITF, Stocks at marami pang iba. Tunay ngang nag-i-improve na ang Financial Literacy nating mga Pilipino.

Ngayon, para makapag-simula na tayong mag-invest ay kailangan muna nating mag-bukas ng account para tayo ay makabili ng shares ng ating napiling kumpanya, na naka-lista sa ting Stock Market. 

Maraming mga Online Stock Brokers sa Pinas na pwede mong pag-pilian. Isa sa mga popular ay ang COL Financial (na dating CitisecOnline). Eto ang link para maka-simula ka:

https://www.colfinancial.com/ape/Final2/home/open_an_account.asp

 

Feeling mo ba ay masyado ka pang bata para mag-invest?

Teka, ilang taon ka na ba?

Alam mo ba na si Warren Buffett, ang World’s Greatest Investor, ay nag-simulang mag-invest sa edad na labing isang taong gulang? Korek ang nabasa mo, 11 years old siya nung una siyang bumili ng kanyang first-ever share sa Stock Market sa America.

Feeling mo ay hindi pa husto ang savings mo? At palaging may “Wala pa akong pera eh” na excuse?

Ngek! Hindi mo naman kailangang mag-labas ka-agad ng napakalaking pera eh, dahil sa napaka-babang halaga na P5,000 eh pwede ka na mag-invest agad, through COL Starter account. Mas mahal pa iyang smartphone mo, na mabilis mawala ng value, kumpara sa isang Stock Trading account (na mag-tatagal ng maraming taon at dekada!)

Nakakalungkot tanggapin na madalas eh wala tayong kimi na gumastos at mag-lustay ng libu-libo para sa alak, bisyo, sugal, gadgets, gimiks at iba pang bagay na mabilis bumaba ang value, kaysa sa mga bagay na mag-pa-pa-unlad sa ating buhay pinansyal. Gising na mga kabataan at kabayan!

Kaya nating baguhin ang mga maling nakasanayan, para sa ikabubuti ng ating sarili at ng ating bayan sa hinaharap. Tara na at mag-simula na tayo ngayon!

Balitaan mo kami kung nakapag-open ka na ha!

At huwag mahiyang humingi ng tulong kung mayroon problema o katanungan sa pag-bubukas ng iyong Stock Trading account.

 

Related:

Anong klaseng Investor ba ako?

 http://www.allstarstocks.com/0page8.html

 

 

Incoming search terms:

  • paano ko mapapalago ang aking pera
  • pwede mag inquire para kumita sa pse

Anong say mo?

%d bloggers like this: