Archive for Videos

[VIDEO] Prioritizing Financial Needs

Happy New Year Kabayan!

Ngayong 2014, ano na ang mga Financial Goals mo? Nakapag-decide ka na ba kung ano ang i-pa-prioritize mo?

Kung hindi pa, ay halina’t manood ng episode na ito ng ANC On The Money, with Janet Lao, SunLife Financial Advisor.

Wish you all the best sa mga Financial Goals nyo ha! We can make it!

[VIDEO] Financial Literacy: The Best Christmas Gift!

Maligayang Pasko Kabayan!

It’s that time of the year na naman kung saan ay masaya ang lahat at nagbibigayan na ng mga regalo. At alam mo ba na may isang natatanging bagay na maibibigay mo sa iyong kaibigan, magulang, kapatid, anak, officemates, ka-biyak, crush, nililigawan at kung sino pa, na mas higit pa sa pinaka-latest gadget!? Alam mo ba kung ano iyon?

Financial Literacy!

That’s one of the best gifts you can give this Christmas season! Financial Literacy by giving books, audio-books, videos, coin-bank, seminar tickets at kung anu-ano pang bagay na magpapa-improve ng kanilang Money Habits at Financial Education.

It won’t easily lose value kasi compared sa mga gadgets na madaling bumaba ang halaga at mabilis manakaw ng mga mandurukot sa kanto. Ang Personal Finance Awareness at Intelligence ay may napakalaking positive effect sa buhay ng isang tao, at syempre, sa buhay na rin ng mga nakapaligid sa kanya!

Isipin mo nalang, darating ang araw na kakaunti nalang ang nangu-ngutang dahil marami na ang may Emergency Fund, Long-Term Savings, Insurance, Mutual Funds/Bonds/Stock/ETF investments at Cash-Generating Assets (Dividends/Rental Properties)!

At nagsimula iyan dahil tayo ay nag-regalo at nang-enganyo at nag-inspire sa kanila na maging Financially Resposible! Galing di ba?

Sang ayon ba kayo na ang Financial Literacy ay isa sa mga ‘da Best’ gifts tuwing pasko?

Halina’t panoorin natin si Vincent Rapisura, ang Program Manager
Ng Ateneo de Manila’s Microfinance Capacity Building Program sa episode na ito ng ANC On the Money:

[VIDEO] Usapang Pag-Ibig (Fund)

May Pag-Ibig ka na ba?

Malamang ay meron na dahil isa itong mandatory contribution sa ating mga mangagawa. At kung wala pa o wala na (dahil ika’y nag-abroad) ay tamang-tama dahil ang episode na ito ng ANC On The Money ay tungkol sa Pag-Ibig Fund featuring Darlene Berberabe, President and CEO of Home Development Mutual Fund (HDMF).

1. Paano ba mag-loan sa Pag-Ibig?
2. Aside sa Home Loan, pwede bang mag Multi-purpose at Calamity loan sa Pag-Ibig?
3. Magkano ang interest ng loan? Mas mababa ba ito kumpara sa bank loan?
4. Magkano ang binibigay nilang Dividend kada taon? May tax pa ba ito?
5. Kailan ko maaring ma-withdraw ang aking contribution sa Pag-IBIG?

Halina’t payabungin ang ating kaalaman, at hindi lamang ang ating love life! Let’s watch this:

Incoming search terms:

  • usapang pag ibig

[VIDEO] Tax On Investment

Stocks, Bonds, Mutual Funds, UITF, Real Estate Properties at kung anu-ano pang investments – mayroon ka na ba ng kahit isa sa mga ito?

Sa ating mga investments, na-consider ba natin ang mga deductions at taxes na mababawasan sa ating kita? Ilan nga ba talaga ang Tax na dapat bayaran sa ating mga Paper Assets at sa ating mga real estate properties?

Tara na’t panoorin natin ang episode na ito ng ANC On The Money, na pinamagatang “Tax On Investment”, with special guest: Susan Bigay (RFP)

[VIDEO] Living BELOW Your Means

Madalas nating naririnig ang kasabihang “Live within your means” ngunit alam nyo ba na may mga kababayan tayo, lalu na ang mga Chinoy, na nag li-“Live BELOW their means”?

Halina’t tunghayan ang video na ito ng ANC On The Money, na pinamagatang: Living Below Your Means, with Rolly Robles (RFP). Tinatalakay nila ang mga risks sa pag-gamit ng mga Credit Cards sa pag-bili ng mga bagay na hindi pa abot ng ating budget at ang monster na meron sa bawat isa: ang I want to have it now” Monster na isang sanhi sa ating impulsive spending.

Wanna be Debt-Free?
Tara, let’s watch this: