Archive for Stocks Ngayon!

Walang (Bear Market) Forever!

Kabayan, pababa ng pababa ang index ng stock market natin. From the all time intraday high of  8,136.97 noong Abril eh nag-lalaro nalang ito ngayon sa 7,500 to 7,700 levels. Nakakalungkot no?

Pero huwag masyadong mag-alala, bagkus eh i-review natin ang ating investment plan at mga stocks na hawak natin. I-check kung mataas pa rin ba ang computed Fair Value nito at kung matatag pa ba ang fundamentals, income forecast at sales ng kumpanya.

Alamin din natin kung pang Long Term ba ang stock na ito na pwedeng hawakan for 5, 10 or even for more years o kung ito ay pang Short Term investment lamang. Kung pang-Long Term ito na pine-Peso Cost Averaging mo regularly at sa 2020, 2025 or 2030 mo pa balak i-sell, eh mainam na mag hold-on muna dahil matagal-tagal pa naman nating pipintasin ito. Pero kung ito ay for Short Term o tsupit lang, eh sa tingin ko ay tama na mag-“cut your losses” nalang at bumawi nalang sa mas magandang trade.

 

Walang Bear Market Forever!
Normal lang na bumaba at tumaas ang presyo sa merkado kaya huwag mangamba, mag-panic at mag-sell ka-agad sa takot nating biglang mas bumaba pa ito. Masasayang kasi ang investment natin kung bigla tayong uurong ka-agad at ibebenta sa mas mababang presyo ang stock na binili natin. Kung ganito eh para tayong nag-Buy High, Sell Low  imbis na Buy Low, Sell High di ba?

Pero kung na-check natin na talagang humihina na ang financial fundamentals ng kumpanya, eh maaari tayong mag-“LIGHTEN” o ibenta ang ilang mga shares na hawak natin. Mas maigi ito kumpara sa pag-bebenta ng lahat ng hawak nating shares.

Pwede rin na instead na mag-benta, ay bumili ka pa ng mas maraming shares, dahil mas mababa ang presyo nito, kumpara sa naka-compute na Fair Value. Para itong mga “Sale” sa mall, na parang naka “20% off” ang stocks.

Isipin nalang natin na parang “Low-Tide” ngayon ang Philippine Stock Market at darating rin ang panahon na aahon rin ito. Parang noong 2013 na biglang bumagsak ang PSEI, pero after one a half year, eh naka-bangon rin ito at nag-all time high pa.

Stick to your plan lang tayo dahil… #WalangBearMarketForever!

Incoming search terms:

  • tsupit stocks