Archive for Quotes

Ready na ba akong umuwi sa Pinas?

Ready na ba akong umuwi sa Pinas?


Para sa akin, yan ang tanong na dapat nating i-consider palagi habang tayo ay nangangamuhan rito sa ibang bansa, dahil hindi naman tayo 100% sure na ang malaking kita na nakukuha natin rito ay makukuha pa rin natin pag-balik sa Pinas.

May kasaganahan tayong mga OFWs kaso, dumarating rin ang mga delubyo tulad nang biglaang may tanggalan sa kumpanya o kaya’y biglang hindi na-renew ang working permit natin. Nakakatakot di ba? Pero totoong nangyayari ang mga ito.

Mas lalong mamimiligro yung hindi pa Permanent Resident sa bansang pinagtratrabahuan nila, at sa visa na lang umaasa. At minsan, kahit nga yung permanent staff na eh nawawalan pa rin ng trabaho.

Isang malaking risk rin kung bibili agad tayo ng malaking bahay, mamahaling condo, magarang kotse at iba pa na may milyones ang halaga. Oo, kaya naman ng sahod natin (sa ngayon) na ma-afford ang mga ito at hindi naman masamang mag hangad ng luxury sa buhay, kaso lang eh, paano kung nawalan tayo bigla ng trabaho? Saan natin kukunin ang pambayad?

Kaya sa ganang akin eh dapat, bago tayo bumili ng kahit anuman ay dapat, meron na tayong sapat na Emergency Fund (para sa mga medical/financial emergencies) at Long-Term Savings (pang-kasal, pang-down sa bahay, fund pag-nawalan ng trabaho, pang-invest etc…) para kung anuma’t anoman ang mangyari, eh makaka-survive pa rin tayo at makaka-recover nang mas mabilis.

Magkano nga ba dapat ang Emergency Fund at Long-Term Savings?

Depende iyan sa maraming factors tulad kung magkano iyong average monthly living expenses, payables/bills/loans na binabayaran, kung ika’y single/pamilyado at iba pa. Saka depende rin ito sa iyong income. Basta ang mahalaga, may naka-prepare tayo na funds (kahit anoman ang itawag natin dito) in case na mapauwi tayo sa Pinas ng wala sa oras.

Ang iba na nagsisimula palang ay maaring mag-target nang P 30,000 para sa Emergency Fund at Long Term savings na P 100,000. Nung nasa Pinas pa ako eh malaking halaga pa iyan dahil maliit lang ang kita namin noon kaya mahirap at matagal umabot sa ganyang halaga. Pero muli, guide lang naman ang halaga na nabanggit ko dahil maramin ngang factors na dapat i-consider.

Ngayon, kung tatanungin natin ang ating mga sarili kung ready na ba talaga tayong umuwi sa Pinas… ano ang ating sagot?

Sapat na ba ang naipon natin rito para guminhawa ang buhay natin sa Pinas? Napunta ba sa mga importanteng bagay ang perang pinadala natin sa ating mga pamilya? May mga naiwanang utang/credit card bills/loans/tax ba tayo rito na hindi pa nababayaran?

Siguro, hindi naman tayo makakaranas ng delubyo. Pero iba pa rin ang naka-handa, kaysa sa i-asa lahat kay Bathala

… ngunit wala naman tayong ginagawa.

Paano ba mag-invest kung Minimum Wage na sahod?

May isang katanungan ang isa nating kababayan sa Maynila. Siya ay isang minimum wage earner lang ngunit nais nyang mag-invest at palaguin ang kanyang kita. Kaya niya kaya? Halina’t pagusapan natin ito.

Challenging nga talaga kapag ganyan ang situation. Ang alam ko, kapag minimum wage eh P 466.00 for day ang kita ayon sa DOLE website, so mga around 10,000 kada buwan ang kita kung hindi ako nagkakamali. Yung 10k na iyan ay net income na dahil ang alam ko ay hindi naman taxable pag minimum wage.

Sa tingin ko, dapat ay maging bukas ang isipan sa mga opportunities sa ibang trabaho na makakapag-bigay sa atin ng mas malaking sahod. Medyo mahirap ito kaya tyaga-tyaga lang. Pwede siguro sa call center or kaya’y lumipat sa kabilang pang kumpanya. Pwede ring mag-negosyo na tindahan or buy & sell pandagdag sa monthly savings. Kung may pagkakataong makapag-abroad, try rin natin. Pero kung talagang walang opening sa ibang kumpanya, ay mag-tiis muna habang maliit palang ang sinasahod.

 

Sa halagang P10,000 kada buwan na kita, eh napakahigpit ang kinakailangang budget para mabuhay at makapag-simula ng negosyo. Ngunit hindi ito hadlang para mapalaki ang ating income. May mga available na micro-financing program na pwedeng apply-an para makapag-simula ng maliit na negosyo. Maaari ring makipag-partner sa negosyo kasama ng iyong mga kaibigan, na ang contribution mo lang ay ang iyong labor at skill. Marami pang paraan para lumaki ang kita, basta’t masinop lang tayo sa paghawak ng ating salapi. 

Kapag lumaki na ang kita, mas maluwag ka nang makakapag-invest sa mga Financial Products tulad ng UITF, Mutual Funds, Stocks at iba pa. Nakakarelate ang nakakarami nating mga kababayan sa istoryang ito dahil marami sa atin ang mababa lang din ang kita sa Pinas noon. Ngunit kahit ganun pa man eh nakaka-ipon pa rin tayo at umasenso pa rin sa buhay, basta may sipag at tiyaga, samahan na rin ng pagiging matipid. Yung iba nga, 50%-70% ng kanilang sahod kada buwan ang itinatabi para maka-ipon ng husto. 

At yung perang tinipid natin, eh ito na yung pwede nating i-invest. Pwede tayo mag-start sa halagang P5,000 lang sa Easy Investment Program (EIP) ng COL Financial. Narito ang detalye: https://www.colfinancial.com/…/EIP…/Links/col_eip.html

 

All the best! Magbubunga rin ang ating mga pag-susumikap sa buhay, kaya’t go lang ng go!

Ano nga ba ang Short-Selling?

Napanood ninyo ba ang tagalog movie na “To Love Again”? Isa itong romantic pinoy movie nung dekada 80.

mangstocks_to_love_again

Kahit noong 1980s (at mas maaga pa), marami na ring mga Pinoy ang nag-iinvest sa stock market, commodities at real estate. Sa tanyag na pelikulang “To Love Again” nina Sharon Cuneta at ang napayapa nang si Miguel Rodriguez, ay mayroong movie scenes na nagpapakita na kahit noon pa ay financially literate at sophisticated investors na tayo.

Nagsimula ang lahat sa isang telex message mula Maynila para kay Don Enrico (tatay ni Rafaela), na nagsasabing ang presyo ng ginto ay tumaas ulit nang $50 nanaman. Sa unang rinig, eh aakalain natin na naka-jackpot sila (keyword: “tumaas”) , pero malungkot pa rin ang mukha ng mga actor. Bakit kaya? Tumaas naman ang presyo ng investments nila sa ginto hindi ba?

Ito ay dahil nag-“Short Sell” siya sa kanyang trade sa ginto, na ang ibig sabihin ay pagbumaba ang presyo nito, ay mas lalaki ang kanyang investments at kung ito naman ay tumaas, eh matatalo siya at kailangan niyang bayaran ang kanyang nai-taya. Sa kasamaang palad ay tumaas ang presyo ng ginto, na inaasahang niyang bumaba, na nagkakahalaga ng 7 Million pesos.

Dito nagsimula ang trahedya sa kanilang pamilya. Sa laki ng natalo niya ng kanyang speculative trade, ay kinailangan na nyang lumapit sa kanyang mga kaibigan. Lumala ng husto ang kanyang dipresyon at sa bandang huli, ay kinitil na nya ang kanyang buhay.

Ayan ang panganib na dala ng Short Selling. Kung sana’y hindi siya pumusta ng milyun-milyon na halos kasing halaga na ng kanyang total net worth, ay hindi sana siya nalubog sa delubyong ito. Kung nag-set sana siya ng 30%-40% limit sa kanyang speculative trade, ay hindi sana mangyayari ito. Totoo ngang dapat maging pulido at manigurado tayo sa kahit anu mang investment na ating pinapasukan.

Hindi ako isang “Sharon-ian” pero gusto ko itong pelikulang ito. Aside sa financial aspect na pinapakita nito, ay nakakatuwa rin ang natural na daloy ng storya na sumasalamin sa buhay ng mga pilipino noong dekada ’80.

Tunay nga na:

“Curiosity** killed the cat”

“…but satisfaction brought it back (to life!) ”

Scene @ 1:16:50

** curiosity – especially in financial matters!

Movie Link: https://www.youtube.com/watch?v=SK7Xi07C67U

 

Quote Of The Week

20131228-124246.jpg

Keeping 10% of our income is good.

But saving 50-70% (or more) will certainly put our Financial lives onto the fast track!

Quote Of The Week

Better be slow and safe
than be broke and sorry.

20131120-150906.jpg