Archive for Quotes

COL Fund Source, Malapit na!

COL Fund Source

Nag-invest ka ba sa Mutual Funds? Ikaw ba ay isang Stock Investor na gustong i-manage ang iyong stocks portfolio, kasama na rin ang iyong mga mutual funds?

Kung oo ang iyong sagot, eh tamang-tama ang bagong produkto ngayon ng COL Financial na COL Fund Source para sa iyo. Naka-schedule itong i-launch sa 3rd quarter ngayong taon. Narito ang isang video kung papaano i-redeem ang iyong mutual funds investments gamit ang COL Fund Source:

 

 

 

Invest na!

Crown Asia Chemicals PSE Debut, Bukas Na!

Magandang hapon kabayan! Bukas na ang inaabangang listing ng Crown Asia Chemical Corporation sa Philippine Stock Exchange. Ang ticker symbol nito ay: CROWN

 

Para sa mga nakalimot bumili o hindi na-allocate-an ng shares sa IPO nito kamakailan, ito na siguro ang ating pagkakataon para makabili.

 

Ano kaya ang magiging closing price ng CROWN bukas? Ibenenta mo na ba agad ang iyong CROWN shares na nabili mo noong IPO period kapag dumoble na ang halaga nito?

 

Narito ang mga karagdagang detalye:

 

http://edge.pse.com.ph/openDiscViewer.do?edge_no=1b18d7c4fe0933b2b15effbf9088d1ab#sthash.Do1JpBaT.dpbs

 

Abangan natin bukas!

 

10k salary to 100k

What you do with a P10,000 monthly salary

is what you’ll do with a P100,000 monthly salary.

 

Agree with this one. Kung nakasanayan nang 50%-70% ang savings rate noong nag-wo-work palang sa Pinas, then malaki ang chance na 50%-70% pa rin ang savings rate kahit kumikita na ng 6 digits.

10k_salary_vs_100k_salary

10k_salary_vs_100k_salary

Pero pag nakagawian na ang pag-gastos ng 50-70% (or more) ng income, eh malaki rin ang chance na ganun din ang gastos kapag malaki sahod.

 

It’s a matter of habit nga talaga.

 

Malaki nga bang talaga ang sahod ko?

Gaano ba kalaki, o ka-liit, ang sahod natin kumpara sa ibang bansa?

I-check natin iyan dito sa bagong Global Wage Calculator ng CNNMoney​:

 

CNN Money - Global Wage Calculator

CNN Money – Global Wage Calculator

 

 

Image Source: http://money.cnn.com/interactive/news/economy/davos/global-wage-calculator/

 

Stocks vs. Real Estate

Okay rin na may real estate/vacant lot/foreclosed property na hawak para sa rental income or flipping. Pero yun nga lang, maraming process na kailangang gawin at may katagalan ang ROI.

Sa ibang bansa, meron silang tinatawag na Real Estate Investment Trust (REIT) na tine-trade sa stock market. Hindi pa ito available sa PSE pero baka in the future, magkakaroon na.