[VIDEO] Financial Literacy: The Best Christmas Gift!

Maligayang Pasko Kabayan!

It’s that time of the year na naman kung saan ay masaya ang lahat at nagbibigayan na ng mga regalo. At alam mo ba na may isang natatanging bagay na maibibigay mo sa iyong kaibigan, magulang, kapatid, anak, officemates, ka-biyak, crush, nililigawan at kung sino pa, na mas higit pa sa pinaka-latest gadget!? Alam mo ba kung ano iyon?

Financial Literacy!

That’s one of the best gifts you can give this Christmas season! Financial Literacy by giving books, audio-books, videos, coin-bank, seminar tickets at kung anu-ano pang bagay na magpapa-improve ng kanilang Money Habits at Financial Education.

It won’t easily lose value kasi compared sa mga gadgets na madaling bumaba ang halaga at mabilis manakaw ng mga mandurukot sa kanto. Ang Personal Finance Awareness at Intelligence ay may napakalaking positive effect sa buhay ng isang tao, at syempre, sa buhay na rin ng mga nakapaligid sa kanya!

Isipin mo nalang, darating ang araw na kakaunti nalang ang nangu-ngutang dahil marami na ang may Emergency Fund, Long-Term Savings, Insurance, Mutual Funds/Bonds/Stock/ETF investments at Cash-Generating Assets (Dividends/Rental Properties)!

At nagsimula iyan dahil tayo ay nag-regalo at nang-enganyo at nag-inspire sa kanila na maging Financially Resposible! Galing di ba?

Sang ayon ba kayo na ang Financial Literacy ay isa sa mga ‘da Best’ gifts tuwing pasko?

Halina’t panoorin natin si Vincent Rapisura, ang Program Manager
Ng Ateneo de Manila’s Microfinance Capacity Building Program sa episode na ito ng ANC On the Money:

Anong say mo?

%d bloggers like this: