Money Management for OFWs

Money sent home by Filipinos working abroad has been one of the reasons the Philippine economy is moving forward.

You can say: ‘They are helping their country’ but, who is helping them manage their own money?

Today, we talk about pratical tips so that our Country’s heroes come home rich and happy.

– Edric Mendoza

 

OFW ba u?

Kung Oo, aba’y tamang-tama itong post na ito para sa iyo upang ma-manage at mapalago ang iyong pinag-hirapang pera. Darating din kasi ang panahon na babalik tayo sa ating lupang sinilangan. Marami ring mapupulot na kaalaman rito ang mga kababayan nating nag-babalak na mangibang-bansa.

Ang video na ito ay isa sa mga episodes ng ANC On The Money, with special guest: Nannette Ferreria, the Director of MoneyDoctors Inc. Naging OFW rin siya, na sa napaka-batang edad na 19 years old ay nakapag-trabaho na agad sa Middle East. Halina’t tunghayan natin ang kanyang storya.

C’mon! Let’s watch this:

 

ANC OnTheMoney: Money Management for OFWs

 

What can you say about the video? Nakaka-inpire at nakaka-empower ‘no?

Share ko lang ang aking notes:

 

Aim to save 70% of your income

Nung una kong narinig ito eh nanlaki talaga ang mata ko. Save 70 percent of my income?!?

Nagulat ka rin ba sa sinabi ni Nannette? Siguro dahil ay madalas nating naririnig na 20% – 30% lamang dapat ang ating itinatabi for savings. Minsan, nahihirapan ang iba na mag-allocate ng ganun kalaking parte dahil maliit lang talaga ang sinasahod nila o siguro’y hindi rin sila ganun ka-tipid na tao.

Pero may point rin siya, dahil kung i-ta-tabi natin ang 70% (or at least kalahati) nang ating salary eh mas mapapabilis ang pag-accomplish ng ating mga Financial Goals.

Kung ikaw ay isang OFW na kumikita ng $3,500 o P150,000 kada buwan, at tinatabi mo ang 70% nito (P105,000) eh aba’y pagkatapos lamang ng isang taon, Milyonaryo ka na! Aabot ng P1,260,000 ang iyong ipon at sa halaga na iyan ay maaari mo nang mabayaran ang iyong mga utang; makapag-patayo ng maliit na bahay, makapag-negosyo at marami pang iba. Ayos diba?

Agree rin ako sa karamihan na mahirap ngang mag-save ng 70% of our income, kaya naman kung hindi pa natin kaya eh mag-start tayo sa 30% or 40% then 50% hanggang sa makapag-impok tayo ng husto.

 

Savings Comparison Between OFWs and Non-OFWs

Ito ang mga slides na makikita natin sa video. Pinapakita sa Comparison Table na ito ang resulta ng saving ng mga nag-abroad at nang nag-trabaho rito sa Pinas:

20131029-131003.jpg

 

Sa table sa taas, napansin mo ba ang Retirement Benefit from Employer na makikita sa 2nd to the last line?  Ang laki ng benepisyo di ba?

Kaya naman dapat ay maging aware tayo tungkol rito at kung maaari ay mag-avail ng mga Retirement or Pension Plans para sa ating pag-tanda; lalo na kung hindi ito binibigay ng ating employer overseas. 
20131029-130945.jpg

20131029-130957.jpg

 

7 Step Plan for OFWs

1. Build Your Emergency Fund.

  • Para pag-nawalan ng trabaho eh may pera pa tayo para makapag-job-hunting at makapag-simulang muli.
  • Dapat meron tayong at least 2 Months worth of our Monthly Living Expenses sa banko para kapag may Emergency eh may mahuhugot tayo.
  • The ideal amount should be 12 Months – 24 months worth of living expenses.

2. Save for your Children’s Education

  • Dahil walang patid ang pagtaas ng tuition fees, dapat ay paghandaan na natin ito ng maaga ngayon palang.
  • Mag-open ng natatanging bank account para rito upang maiwasan na ma-gastos ang allocated budget para sa ating mga chikiting.

3. Keep Records

  • Na-tanong mo na ba ito before: Nasaan na napunta ang pera ko?
  • Marami nang mga Free Web at Mobile Personal Finance Apps para ma-track natin ang mga gastos. Importanteng alam natin kung saan napupunta ang perang ating pinaghirapan.
  • I-ensure rin na ang mga resibo ng iyong Remittances ay naka-record para malaman ang total na napadala.

4. Setup Separate Accounts for Household Expenses, Education, Investing etc.

  • Para ma-organize mo ang inyong budget and expenses efficiently.
  • Madalas kasi, nakakalito kapag may isang account lang tayo sa banko para sa ating savings, expenses, investment, retirement at iba pa.
  • Mas mapapa-dali rin ang pag-pa-Financial Review dahil provided na ng banko ang Monthly Statement ng iyong account.

5. Learn about investing

  • Simply saving will not make you wealthy.
  • Around 1%-3% per year lang pag-lago ng iyong pera kapag dineposito lang sa banko.
  • Matutong mag-invest sa mga Real Estate properties, Mutual Funds, UITF, Bonds, ETF, Stock Market at kung anu pang reliable financial instruments.

6. Find a Process-Based Financial Consultant

  • Na-review na ba ng isang Registered Financial Planner (RFP) ang iyong financial portfolio?
  • Have a financial coach who can help, teach, guide and monitor you to reach your Goals.

7. Keep you Financial matters Confidential.

  • Alam na natin ang storya. Pag-nalaman ng iba na meron tayong pera eh tayo palagi ang u-utangan.
  • Huwag hayaan na lustayin lang ng iba ang perang ating pinag-hirapan. Maging ma-ingat sa pera.

 

May asawa, kamag-anak, kaibigan o kakilala ka bang OFW na nahihirapan sa pag-manage ng kanyang pera? Kung ganun ay i-share mo na ang post or video na ito sa kanila upang mapa-buti ang kanilang kalagayan. Patuloy lang tayo kabayan na mag-sumikap, mag-impok at mag-palago ng ating sarili at naniniwala ako na maaabot rin natin ang matatayog nating mga pangarap. Laban lang!

Tulad nga ng sinabi ni Hesus:

Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay;
ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.*

*Lucas 16:10

 

Incoming search terms:

  • paano magpalago ng pera

Anong say mo?

%d bloggers like this: